Panibagong kabanata na naman ang dapat harapin
Panibagong buhay ang dapat pag igihin
Sapagkat ngayo'y hindi lang iisa
Ang dapat isaalang-alang, ngayo'y nadagdagan na…
Isang malaking responsibilidad ang ngayo'y nakapasan
Sa balikat kong dati ng nahihirapan
Ngunit hindi ako dapat na sumuko
Dapat maging matatag ang buong pagkatao…
Dahil ngayo'y isang nilalang ang mabubuhay
Magbibigay-sigla sa akin at sa mga taong handang umalalay
Isang anghel na magbibigay ng dagdag na kulay
Sa puso ng bawat isang sa iyo'y naghihintay…
Nasasabik na akong iluwal ka sa mundo
Nang maranasan mo na kung paanong mamuhay ang tao
Pangako ko sa'yong lubos kang aalagaan
Kaming lahat na nagmamahal sayo'y hindi ka pababayaan…
Ngayong nalalapit na ang iyong pagsilang
Hindi ko agad naisip na ganito pala ang pakiramdam
Na kapag malapit ka nang maging isang inang lubusan
Paniniwala mo sa buhay ay magbabago ng tuluyan…
Kung noong una'y hindi ko matanggap na kasama ka sa aking pagbabago
Ngayo'y nagpapasalamat ako at dumating ka sa buhay ko
Upang tuluyang maging ganap ang aking pagkatao
Salamat sa'yo, anak ko! Lubos ang aking pagmamahal sa'yo!
By: Jaqc Maligaya / Billing Dept